-- Advertisements --

CEBU CITY – Ikinokonsidera ng Department of Tourism (DOT) ang lalawigan ng Cebu bilang hub ng English as a Second Language (ESL) companies sa bansa.

Ito ang sinabi ni DOT Usec. Benito Bengzon Jr. sa isinagawang unang Philippine Education Tourism Conference (PETC) na ginanap sa Cebu.

Ayon kay Bengzon, malaking tulong para sa bansa ang galing ng mga Pilipino sa pagsasalita ng Ingles lalo na kung employment rate na ang pag-uusapan.

Dagdag pa nito na ang English proficiency ng halos 94% ng mga Pilipino ay makapagbibigay umano ng malalaking oportunidad, makapag-import ng access, at pagpapalago ng ekonomiya sa bansa.

Sa ngayon ay may hindi bababa sa 150 na ESL hubs sa Cebu na kinilala mismo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng Bureau of Immigration.

Ang ESL hub ay isang venue kung saan nag-aaral ng wikang Ingles ang ilang mga banyaga gaya ng mula sa Japan, Korea, China, at Thailand.