CEBU CITY – Handang tumakbo si Cebu City Mayor Edgardo Labella sa gaganaping ceremonial torch relay bilang bahagi ng 30th Southeast Asian Games sa November 16.
Kasali ang alkalde sa naturang event bilang isa sa mga torch bearers kung saan tatakbo ito, kasama ang 2,500 participants sa kahabaan ng South Road Properties sa lungsod ng Cebu.
Napag-alaman na makikiisa sa takbuhan ang mga police officers, mga estudyante, mga empleyado ng pamahalaan at marami pang iba.
Ayon kay Labella, gagawin nya ang pagbitbit ng torch lalo na’t sumali na ito dati sa isang marathon.
Mangunguna sa naturang seremonya si Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino, kasama ang ilang Cebuano athletes gaya ni Mary Joy Tabal bilang torch bearers.
Pagkatapos ng naturang relay, susundan ito ng isang simpleng lighting ceremony at isang programa.
Isa ang Cebu City sa mga napiling venues sa ceremonial torch relay bilang paghahanda sa 2019 SEA Games na sisimulan ngayong November 30.