Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu sa “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para Sa Lahat”, isang simultaneous na pamamahagi ng government assistance kasabay ng ika-67 kaarawan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr nitong Biyernes, Setyembre 13.
Dinaluhan ito ng mga regional at provincial offices mula sa national line agencies sa pangunguna ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.
Nag-alok ng mga programa ang kalahok na mga ahensya kabilang ang Department of Agriculture, Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, Department of Social Welfare and Development, Department of Interior and Local Government, at ang Technical Education and Skills Development Authority.
Kasabay nito, nagsagawa rin ang Kapitolyo ng mini caravan of services, na nag-aalok ng mga health check-up mula sa Provincial Health Office, legal consultations, land assessments, at agricultural assistance.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Frasco na sumasalamin ang kaganapan sa malalim na pag-unawa ni Pangulong Marcos sa mga pangangailangan ng lahat ng mga Pilipino.
Aniya, ipinaalala rin umano ang panawagan para pagkakaisa na palagi at patuloy umanong taglay ng Cebu na siyang pinagmumulan ng lakas ng nagkakaisang lalawigan.
Pinasalamatan naman nito ang lahat ng mga opisyal dito sa patuloy na mangunguna at pagpapakita sa Pilipinas kung gaano kahalaga ang magkaisa upang umunlad bilang isang bansa.