Ligtas ang lahat ng mga pasahero ng Cebu Pacific flight na sumadsad sa NAIA Terminal 3 dakong alas 11:45 ng umaga.
Sinasabing nagmula sa Naga City ang flight DG 6112 sakay ang 42 mga pasahero at apat na mga crew nang magkaroon ng “slight runway excursion.”
Iniulat naman ng Cebu Pacific sa kanilang statement na walang naitalang sugatan at lahat naman ng mga sakay ay bumaba sa eroplano ng normal at isinailalim na rin sa medical checkup.
Samantala, nakaapekto naman sa ilan pang mga eroplano na paparating at papalipad ang pagsadsad ng Cebu Pacific.
Maging ang PAL ay nag-anunsiyo din sa pagka-delay ng ilang mga biyahe.
Tulad ng nagmula sa London, Dammam, Dubai, Doha at iba pa.
Ayon pa sa PAL ilang mga biyeha na rin ang na-divert ang kanilang arrivals at lalapag na lamang sa Clark, Pampanga.