Magbabawas ng nasa 1,000 na empleyado ang Cebu Pacific dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.
Ayon sa 1Aviation Groundhandling Services Corp. na ang nasabing hakbang ay “drastic measures” para matiyak na makaahon ang kanilang kumpanya.
Hanggang Hulyo 20 na lamang ang 25 percent na kanilang mga trabahador.
Noong Abril pa lamang ay nagtanggal na ang kumpanya ng 400 na mga bagong empleyado kabilang na dito ang galing sa check-in at boarding gate agents at baggage handlers.
Magugunitang noong Pebrero ay nagtanggal na ang Philippine Airlines ng 300 ground staff habang ang Air Asia Philippines ay nakatakda ring magtanggal ng 260 empleyado kabilang ang cabin crew hanggang sa katapusan ng Hunyo.
Isa sa dahilan ng pagtanggal ng mga empleyado ay ang pagbabawas ng mga flights dahil sa mahigpit na travel restriction bunsod ng coronavirus pandemic.