Naglabas ang Cebu Pacific ng panuntunan sa mga pasaherong dumarating sa bansa matapos na nagpatupad ng paghihigpit ng Pilipinas dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19.
Ayon sa nasabing airline company na ang mga fully vaccinated individuals ay kailangan kumuha pa rin ng RT-PCR test sa loob ng 72 oras bago ang kanilang biyahe at sasailalim pa rin ng apat na araw na quarantine.
Sila ay isasailalim sa COVID-19 testing sa ikatlong araw at magsasagawa na lamang ng self monitor ng hanggang 14 araw.
Ang mga fully vaccinated naman na walang RT-PCR test ay sasailalim ng mandatory six-day quarantine at sila ay sasailalim ng testing sa ika-limang araw.
Habang ang mga partially vaccinated at hindi pa nabakunahan ay sasailalim ng walong araw na mandatory quarantine at COVID-19 testing sa ikapitong araw kung saan dapat ay tapusin din nila ang 14 araw na home quarantine.
Patuloy din anila ang mga biyahe kabilang sa green list kung saan nararapat na sumunod sa mga testing at quarantine requirements gaya sa yellow lists.