-- Advertisements --
shabu Gandara Samar PDEA
88.49 kilos of shabu worth more then P500 million seized in Brgy. Buñagan, Gandara, Samar (photo from PDEA/PNP)

CEBU CITY – Pinasalamatan ng Cebu City Police Office (CCPO) ang PNP sa lalawigan ng Samar dahil sa pagkahuli ng anim na mga suspek matapos maharang sa checkpoint sa bayan ng Gandara sa nasabing lalawigan.

Ito ay matapos na masabat ng mga otoridad ang higit kalahating bilyong pisong halaga ng pinaniniwalaang shabu kung saan ipapadala sana ito sa lalawigan ng Cebu.

Ayon kay CCPO director Col. Gemma Vinluan, isa sa mga nahuli sa checkpoint ay nakakulong na dati sa Cebu City dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Napag-alaman mula kay Vinluan na bumalik umano ang isang suspect sa iligal na negosyo hanggang sa naging bigtime drug lord umano matapos itong makalaya.

Dagdag pa ni Vinluan, mainam na hinarang ng mga otoridad ang malalaking bulto ng shabu mula sa Samar upang hindi na dumami ang masasangkot sa illegal drugs.

Nanawagan din si Vinluan na palakasin pa ang pagbabantay sa mga pantalan, airports, at mga jail facilities upang hindi makapasok ang mga pinagbabawal na gamot sa Cebu.