-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY- Kinympirma ngayon ng Bureau of Animal Industry (BAI-10 na pansamantalang pinigil makapasok ang livestocks supplies na nagmula sa Northern Mindanao sa probinsya ng Cebu sa Visayas.

Ito ay matapos tuluyan nang napasok ng African Swine Fever (ASF) ang Pilipinas partikular sa ilang probinsya sa Luzon.

Ginawa ni Dr Leo Mira,head ng Veterinary Quarantine and Service ng Bureau of Animal Industry -10 ang kumpirmasyon ilang araw na inilabas ni Provincial Governor Bambi Emano ang pag-ban ng swine products na nagmula sa Rizal at karatig probinsya na makapasok sa lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Mira na mayroong hiningi na karagdagang bio-security measures ang Cebu bago tuluyang makapasok ang live animals na mula sa rehiyon.

Inihayag ng opisyal na kabilang sa pinaghanap ay ang disinfection certificate mula sa Bureau of Animal Industry at ibang mga permit.

Partikular na tinukoy ni Mira ay ang commercial swine raisers na mismong humingi ng tulong mula sa kanilang tanggapan ukol sa usapin.

Magugunitang pina-aktibo ng Department of Agriculture (DA-10) ang isang task force upang maalerto ang rehiyon laban sa ASF lalo pa’t pangatlo ang Northern Mindanao na nagpapadala sa hog products sa buong bansa.