-- Advertisements --

CEBU CITY – Pinaghahandaan na ngayon ng Commission on Election Cebu Province ang pagsisimula ng local campaign ngayong Marso 25.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Cebu Provincial Comelec Supervisor Atty. Jerome Brillantes, sinabi nitong may mga ‘intense political rivalry’ ang probinsiya na patuloy nilang mino-monitor kasama ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Atty. Brillantes na nasa yellow category ang probinsiya kung saan maliban sa may mga political rivalry ay may mga insidente na rin sa mga nakalipas na eleksyon na posibling mangyari sa paparating na eleksyon.

Aniya, hindi pa nito masabi kung ilang hot spot areas ang kanilang maitala dahil posibling madagdagan o mabawasan pa ito.

Siniguro ni Atty. Brillantes na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa PNP at AFP para sa kanilang mga security plan sa paparating na lokal na kampanya sa susunod na linggo hanggang sa araw ng eleksyon.