-- Advertisements --

CEBU – Seryoso ang pamahalaan ng lalawigan ng Cebu na kasohan ang mga opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH7) kung tatanggi itong makipag-ayos sa contractor ng underpass at road widening project sa UN Avenue sa Mandaue City.

Sinabi ito ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia sa isinagawang pagpupulong sa kanyang tanggapan kasama ang hepe ng DPWH7 sa pangunguna ng kanilang direktor na si Engr. Jun Gregorio at ang contractor ng project na BM marketing na pinangungunahan ni Edgar Chu.

Una rito, ninais ni Gobernador Garcia na magkaroon ng inisyal na solusyon sa problema sa binahang kalsada sa lugar dahil tatlong taon na itong tinitiis ng mga motorista at turistang bumibisita sa Sugbu.

Kung matatandaan nahinto ang multi-million project na ito 3 taon na ang nakakaraan matapos magkaroon ng alitan ang DPWH at ang contractor nito matapos akusahan ng DPWH ang contractor na pineke ang kanilang dokumento para makuha ang proyekto.