-- Advertisements --
CEBU – Pinangangambahang magsara ang mga maliliit na bakery kung hindi rin sila magtataas ng presyo ng tinapay.
Ito ang naging pahayag ni Jojo Tiongko, ang founder sa Cebu United Bakeries sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu.
Inihayag ni Tiongko na sa ngayon naghihirap na ang mga maliliit na panaderya dahil sa mataas na presyo ng raw materials.
Nanawagan ito sa mga mamimili nang malawakang pag-intindi kung sakaling magtataas sila ng presyo at nanawagan na suporthan ang mga local bakeries.