-- Advertisements --

Nagpaabot ngayon ng kanyang taos-pusong mensahe si Cebuana Olympian Mary Joy Tabal-Jimenez sa mga Pinoy athletes na lalahok sa Paris Olympics kung saan umaasa siyang maging matagumpay ang pakikipagpaligsahan ng mga ito.

Proud pa si Tabal sa naging paglalakbay ng mga atleta na kumakatawan hindi lamang sa kanilang sarili kundi sa buong bansa.

Mensahe pa niya na gawin ng mga ito kung ano ang kayang gawin ng isang Pilipino at maging inspirasyon sa mas marami pang henerasyon.

Pinuri din nito ang nagdaang Palarong Pambansa na ginanap mismo sa Cebu na aniya ay isang stepping stone na umabot sa Olympics.

Nagpaabot din ng mensahe sa lahat ng mga atleta ang dating Olympian na magpokus sa sarili, magpokus sa kung ano ang makokontrol at hindi sa mga distractions.

Nabatid na sa 22 Filipino athletes na lalaban sa Paris Olympics, tatlo sa kanila ay mga Cebuano weightlifters na sina Elreen Ando, John Febuar ceniza at Kiyomi Watanabe.