Cebuanang Rank 3 sa inilabas na resulta ng 2024 Psychometrician Licensure Examination, ibinahagi na ang Paglaan ng Oras sa Pagrereview at mga Piling Taong nakapaligid nito ang Susi sa kanyang Tagumpay
Magkahalong emosyon at halos hindi pa rin makapaniwala ang isang cebuana matapos mag-rank 3 ito sa inilabas na resulta ng august 2024 psychometricians licensure examination.
Si Alliah Grace Parojinog na nagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of San Jose-Recoletos ay nakakuha ng 86.80% na rating.
Sa isinagawang Presscon nitong Martes, ibinahagi ni Parojinog ang mga pinagdadaanan at mga pagsisikap na ginawa, gayunman, hindi pa umano nito inaasahan na makapasok sa top 10.
Sinabi pa ng dalaga na pagkatapos ng kanyang graduation, nagtrabaho muna ito sa sa isang kompaniya sa loob ng isang taon bago napagdesisyonang kumuha ng board exam
Inspirasyon pa umano niya ang kanyang mga magulang na nagsikap na suportahan ang kanyang pag-aaral at bilang ganti ay nagsusumikap din siyang bigyan ng maginhawang buhay ang mga ito.
Bahagi pa aniya ng kanyang study habits ay ang pagpokus sa kalidad ng natutunan at hindi sa dami ng kanyang na-review.
Sa kabila pa umano ng kanyang iskedyul sa trabaho, nag-laan siya ng maraming oras tuwing weekend para mag-review at mag-focus para sa board exam.
Dagdag din nito na huwag i-pressure ang sarili at humanap ng mga taong makakatulong sa pagkamit ng pangarap.
Dahil sa natamong tagumpay, makakatanggap naman ito ng PHP 450,000.00 mula sa unibersidad dahil sa karangalang ibinigay.