-- Advertisements --

CEBU – Nasungkit ng isang Cebuano na atleta ang isang silver at bronze medal sa Triathlon and Aquathon Individual Elite Men sa Southeast Asian Games na ginanap sa bansang Cambodia.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Andrew Kim Remolino, na hindi madali ang kanyang karanasan kasama ang kanyang team dahil na rin sa panahon kung saan sobrang init na umabot sa 40 degree celcius na nag-resulta ng cramps para sa mga triathlete, ganun rin ang malakas na hangin na nag-resulta ng malalaking alon na nagpapahirap rin sa mga swimmers.

Gayunpaman, nagpapasalamat si Remolino na nasungkit pa rin ng Pilipinas ang silver, bronze at ang gold medal na nakuha ni Fernando José Casares Tan sa Men’s Individual Triathlon.

Inihayag rin nito na buo naman ang suporta ng gobyerno ng Pilipinas para sa mga atleta mula sa training allowance, meal allowance, transportation, accomodation at iba pa.

Panawagan na lang nito sa gobyerno na magkaroon ng mga international camps upang mas matuto ang mga atleta ng tamang nutrisyon, training at recovery.

Binigyang-diin ni Remolino na importante ang mga international camps para sa indibidwal na paglago ng mga Filipino athletes.