-- Advertisements --

Siniguro ng Bureau of Immigration na hindi makakalabas ng bansa ang businessman na si Cedric Lee matapos itong hatulang guilty ngayong araw ng Taguig City Regional Trial Court ng serious illegal detention for ransom sa TV host at dancer na si Vhong Navarro. 

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval, mayroon ng aktibong hold departure order mula 2014 si Lee at ang kasamahan nito na nahatulan ding guilty na si Ferdinand Guerrero.

Dagdag pa ng ahensiya, ang dalawa ay nasa Immigration Lookout Bulletin na rin mula taong 2014. 

Parehong hindi sumipot sina Lee at Guerrero sa pagbaba ng hatol ng Taguig RTC ngayong araw.