-- Advertisements --

Nailipat na sa New Bilibid Prison (NBP) ang negosyanteng si Cedric Lee.

Pasado alas-8 ng gabi nitong Biyernes ng naayos na ang dokumento nito mula kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ay dinala na ito sa NBP sa lungsod ng Muntinlupa.

Magugunitang nitong Huwebes ng boluntaryong sumuko si Lee sa NBI matapos lumabas ang kaniyang warrant of arrest sa kasong serious illegal detention.

Inilabas ng Taguig Regional Trial Court ang desisyon laban kay Lee kasama ang modelong si Deniece Cornejo, Ferdinand Guerero at Simeon Raz dahil sa pambubugbog sa actor na si Vhong Navarro.

Si Cornejo ay nasa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City habang sina Lee at Raz ay sa NBP.

HIndi kasi dumalo sa Lee sa pagbasa ng desisyon ni Judge Mariam Bien ng Taguig RTC , Branc 153 kaya hindi ito nadala sa kulungan subalit nitong Huwebes ng gabi ay sumuko ito sa NBI.