-- Advertisements --
celda columbian
Photo courtesy of PBA

Buhay na buhay pa rin ang pag-asa ng Columbian na uusad sila sa playoffs matapos ang kanilang 100-98 paglusot sa Phoenix sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena nitong Sabado.

Sinelyuhan ni Reden Celda ang tagumpay ng Dyip makaraang ipasok nito ang game winning shot sa nalalabing 9.3 seconds.

Kumolekta ng 25 points, 21 rebounds at dalawang blocks si Lester Prosper, habang may 19 markers si Rashawn McCarthy para sa Columbian, na mayroon nang 3-7 win-loss card.

Abot kamay na ng Fuel Masters ang panalo matapos na manakaw ni inport Richard Howell ang bola, ngunit sinupalpal ni Glenn Khobuntin ang tangkang fastbreak ni RJ Jazul upang basagin sana ang 98-98 tabla sa huling 20 segundo.

Maganda rin ang naging tugon ng Dyip sa 11-0 run ng Fuel Masters upang itala ang 86-84 abanse.

Sa pangunguna ni McCarthy, nagpasok ng pitong sunod-sunod na puntos ang Columbian para sa 94-88 lead.

Bumitaw ng tres si Prosper upang basagin ang 95-95 tabla, pero sumagot ng 3-pointer si Matthew Wright sa natitirang 32.6 segundo.

Hindi nagbunga ang impresibong 35 points at 23 rebounds ni Howell para sa Phoenix, na inilista ang 4-5 baraha.

Narito ang mga iskor:

Columbian 100 – Prosper 25, McCarthy 19, Perez 18, Celda 17, Khobuntin 6, Reyes 5, Camson 4, Escoto 4, Cahilig 2, Faundo 0, Tabi 0.

Phoenix 98 – Howell 35, Wright 23, Jazul 12, Intal 8, Mallari 7, Perkins 7, Chua 6, Kramer 0, Marcelo 0, Napoles 0, Dennison 0.

Quarters: 22-27, 49-40, 73-71, 100-98.