Pumanaw na ang matagal nang nasa likod ng boses sa mga pelikula kay “Batman” na si Kevin Conroy, sa edad na 66.
Kinumpirma ng kompaniyang DC na pumanaw si Conroy dahil sa pakikipaglaban sa sakit na cancer.
Siya ay itinuturing na celebrated theater actor, film, at television kung saan sumikat siya ng husto sa kanyang boses bilang si Bruce Wayne at sa Caped Crusader noong 1992 na “Batman: The Animated Series” na tumagal hanggang 1996.
Sinasabing binigyan buhay ni Conroy ang mga animated superhero na inabot ng halos 60 magkakaibang productions, kabilang na ang 15 films – kung saan ang pinakasikat ay ang “Batman: Mask of the Phantasm” na nasa 15 animated series.
Kabilang sa maraming nagbigay tribute sa Hollywood ay ang “Star Wars” actor at naging boses sa matinding karibal ni Batman na “Joker” at ito ay ang actor na si Mark Hamill.
Tinawag ni Hamil bilang “perfection” at isang “brilliant actor” si Conroy.