-- Advertisements --

Pumanaw na ang celebrity astrologer na si Zenaida Seva.

Kinumpirma ito ng kaniyang kaibigan na si Jessica Zafra matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa kaanak ni Seva.

Hindi naman na binanggit nito kung ano ang sanhi ng kamatayan nito.

Nakalagak ang urn nito sa Chapel C ng Mortuary Chapels ng Christ The King Parish Greenmeadows sa Quezon City.

Nakilala si Seva sa pagbibigay ng hula at prediksyon sa telebisyon.