-- Advertisements --
Ibinunyag ng Hollywood fitness guru na si Richard Simmons na na-diagnosed siya ng skin cancer.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi niya ang pagkakaroon ng bukol sa ilalim ng kaniyang kanang mata.
Nilalagyan niya umano ito ng tubo ng neosporin tuwing umaga at gabi subalit hindi pa rin natatanggal kaya kumonsulta na ito sa kaniyang dermatologist.
Dagdag pa nito na labis ang kaniyang pagka-nerbiyos habang isinasagawa ng doctor ang pagsusuri.
Sumailalim na ito sa operasyon subalit hindi pa rin natanggal ang lahat ng mga cancer cells mula sa kaniyang mukha.
Base sa mga eksperto na ang cell carcinoma ay common type ng cancer na ito ay nagagamot sa pamamagitan ng pagsasailalim sa operasyon.