-- Advertisements --

Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ng celebrity photographer na si Raymond Isaac sa edad 59.

Kinumpirma ng kaniyang kapatid na si Edward ang pagpanaw ni Isaac dahil sa kumplikasyon sa COVID-19 habang ito ay naka-confined sa California Pacific Medical Center sa San Francisco, California.

Mula Hulyo 24 hanggang Setyembre 3, 2021 ng ito ay tamaan ng COVID-19.

Bago siya tamaan ng virus ay binakuhan pa ito ng COVID-19 vaccine sa San Francisco.

Labis naman nagdalamhati ang kaniyang partner na si Jayson Vicente kung saan pinasalamatan niya ang mga nagdasal para sa ikakagaling ni Isaac.

Sa kani-kanilang mga social media ay nagpost ng pakikiramay ang mga local showbiz personalities at ilang mga pulitiko na naging malapit sa pumanaw na photographer.