-- Advertisements --
Labis ang pasasalamat ni Filipino celebrity racer Angie Mead King matapos na makaligtas mula sa nasusunog niyang sports car.
Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang pangyayari nitong Huwebes sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX).
Sinabi nito na walang anumang nangyari sa kaniya dahil mabilis itong nakalabas agad.
Bagamat nanghihinayang siya sa sasakyan dahil sa hindi na ito maaayos pa.
Pinasalamatan niya ang mga followers na agad na nagtanong sa kaniyang kalagayan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung ano ang pinakasanhi ng nasabing nasunog na sasakyan na isang Acura NSX sports car.