Kaagad napabalik tanaw si Celeste Cortesi, isang araw matapos tanghalin bilang bagong kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2022.
Ayon sa 24-year-ol Fil-Italian model, hangad niya na magsilbi siyang inspirasyon ng mga nangangarap pa lamang na huwag kailanman susuko.
Panimula nito sa kanyang online post ang kasabihan na may kaugnayan sa hindi pagpapatalo sa takot na sumugal sa buhay alang-alang sa pangarap.
“Don’t ever let your fears be bigger then your dreams. The risk you’re afraid to take will change your life,” saad ni Cortesi.
Kuwento nito, habang rumarampa sa Miss Universe Philippines stage sa coronation kagabi, nasa isip nito ang kanyang mga magulang na kanyang pinagmanahan ng lakas ng loob.
“I’ve worked so hard for this, I’ve prepared. And I let God do the rest in knowing that whatever is meant for me will never pass me by,” dagdag pa nito.
Giit nito na mula nang manirahan at lumaki sa Pilipinas noong limang taong gulang pa lamang siya, ipinangako nito sa sarili na sasali lang siya sa beauty pageant kapag determinadong mapanindigan ang masusungkit na korona.
“Beyond honored and grateful” aniya siya sa pangalawang pagkakataon na maging kinatawan ng bansa, una ay sa Miss Earth at ngayon naman ay sa Miss Universe.
Nabatid na nagtapos sa Top 8 ang Pasay beauty sa Miss Earth 2018 at tatangkaing maibigay sa bansa ang pang-limang Miss Universe crown.
Una rito sa Miss Universe Philippines coronation night sa Pasay City, iginawad din kay Celeste ang Ms. Photogenic at Best in Swimsuit.
Narito naman ang kanyang winning answer sa tanong na “If you could stop time for a day, how would you spend it?”
“If I could stop time, I would spend it with my family, especially my mother. It’s been two years since I haven’t spent time with my family because they live in Italy, and I came here in the Philippines just by myself. If I had a chance to spend one day, I would definitely be with my mom, and I would just tell her how much I love her and I miss her,” ani Cortesi.