-- Advertisements --

Tiniyak ni Celeste Cortesi na kanyang tututukan ang mga kailangang i-improve sa kanyang sarili bilang bagong kinatawan ng bansa sa Miss Universe.

Ayon sa 24-year-old Filipina-Italian beauty, alam niya na kasi ang mga naging kahinaan niya noong irepresenta ang Pilipinas sa Miss Earth 2018 kaya hindi sasayangin ang pangalawang pagkakataon sa Miss Universe 2022.

I know how to capitalize (on) my strengths as well… In the past four years I’ve been thinking, I didn’t do a great job in my last pageant, but now that I’m Miss Universe Philippines, I know that (Miss Earth) really helped me in improving myself so much,” ani Cortesi sa isang virtual media briefing.

Dagdag nito, “You know that whatever happens to you happens for a reason, and this was the reason. The reason why that happened is because now I know what to do, I know how to work on my weaknesses more. I’m just very grateful that I got this second chance to represent the Philippines in the best way I can.”

Una nang inihayag ng half Italian beauty mula Pasay na sa susunod na taon pa pala siya dapat sasabak sa national pageant gaya ng Miss Universe Philippines.

Gusto raw kasi niya kasi na 100 porsiyento siyang handa sa sasalihang malaking beauty pageant pero kinumbinsi siya ng close friend na si Rabiya Mateo na huwag nang palipasin ang tamang panahon ngayong taon.

Kung maaalala, ang half Indian mula Iloilo na si Rabiya ang unang winner sa hiwalay na franchise ng Miss Universe Philippines kung saan siya umabot hanggang sa Top 21 ng Miss Universe 2020.

Si Cortesi naman na Top 8 finish sa Miss Earth 2018, ay tatangkaing maibigay sa bansa ang panglimang Miss Universe crown.