-- Advertisements --

Nagbigay ng update ang singer na si Celine Dion sa pinagdaanan niyang sakit.

Sinabi nito na labis siyang nahihirapan na kumanta dahil sa kaniyang stiff person syndrome.

Dagdag pa nito na parang may tumutulak sa kaniyang lalamunan.

Nakakaranas din ito ng spasms na umaatake sa ilang bahagi ng kaniyang katawan kabilang ang abdomen, spine at ribs.

Dahil sa kaniyang sakit ay kinansela ng multi-awarded singer ang kaniyang “Courage World Tour” kung saan hindi pa tiyak nito kung makakagawa pa siya ng mga concerts.

Ang stiff person syndrome ay isang kakaibang uri ng sakit na tumatama sa nervous system ng isang tao.

Kung saan base sa pananaliksik ng e National Institute of Neurological Disorders and Stroke na naapektuhan labis nito ang utak at spinal cord.