-- Advertisements --

Nanawagan ang beteranang singer na si Celine Dion sa pagkalat ng mga kanta na gawa ng Artificial Intelligence na kumakalat sa internet.

Ayon sa Canadian singer na ang nasabing mga kanta niya na mula sa AI ay hindi niya inaprubahan.

Hindi na nito pinangalanan kung anong kumpanya at kanta na gawa ng AI.

Magugunitang noong Abril 2024 ay pumirma ng open letter laban sa mga banta ng AI sa music industry ang ilang sikat na singer gaya nina Billie Eilish, Kacey Musgraves, J Balvin, Ja Rule, Jon Bon Jovi, The Jonas Brothers, Katy Perry at Miranda Lambert.