-- Advertisements --

Pina-subpoena ng NBI ang cellphone ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa lungsod ng Makati.

Kinumpirma ngayon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang hakbang ng NBI ay upang isailalim sa digital examination ang laman ng mga text messages nito.

cropped doj GUEVARRA

Umaasa kasi ang mga imbestigador na baka makatulong din sa kanilang imbestigasyon ang personal cellphone ng dalaga.

Ayon pa kay Sec Guevarra, inaasahan ng NBI na matatapos na sa susunod na linggo ang kanilang sariling imbestigasyon para maisumite na rin sa prosecutors na may hawak sa kaso.

Hangad din ng DOJ na magkaroon na ng resolusyon sa naturang kaso sa lalong madaling panahon.

Kung maaalala ang PNP ay may hiwalay ding imbestigasyon sa nasabing kontrobersiyal na kaso.