ILOILO CITY – Hindi pa matukoy ng telecommunication service providers sa buong Western Visayas kung kailan ma-fully restore ang cellular connection sa rehiyon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Patrick Gloria, director for external affairs ng Globe Telecom, Inc., sinabi nito na dependent ang capacity ng cell sites sa Western Visayas sa kapasidad ng connection sa Cebu na isang hard-hit area nang nanalasa ang Bagyong Odette.
Sa Cebu ang main tower ng telcos sa Western Visayas at ang headquarter ng data source na ginagamit sa pag-distribute ng data sa buong Western Visayas.
Pahirapan rin ang pagsaayos ayon kay Gloria dahil naputol ang fiber ng iilang cell sites.
Una nang nag-request si Iloilo City Mayor Jerry Trenas na magtayo ng tower at facilities sa Iloilo para hindi na maging dependent sa Cebu ang koneksyon sa Western Visayas.