-- Advertisements --

Kinumpirma ni Sen. Panfilo Lacson na sumasailalim na sa forensic analysis ang cellular phones ng testigong si Yolanda Camilon at ganun din kina CO3 Veronica Buño at BuCor Senior Inspector Maribel “Mabel” Bansil.

Ayon kay Lacson, dito ay malalaman kung talagang may itinatago ang kanilang mga resource person at kung may intensyunal na binura sa communication device.

Samantala, sinabi rin nitong marami pa siyang hawak na ebidensya laban sa abogado ng BuCor na si Atty. Frederick Santos sa isyu ng pakikipag-pot session nito sa ilang Chinese drug lords.

Giit ni Lacson, hindi siya magsasalita nang walang bala.

Gayunman, hindi na muna raw isasapubliko ang anumang ebidensyang hawak niya para magamit ito sa proper forum.