Abanse na ang Boston Celtics matapos makabuwena mano ng panalo laban sa karibal na India Pacers, 84-74.
Sumandal ang Celtics sa kanilang rally sa second half upang makuha ang Game 1 sa Eastern Conference sa first-round playoff series.
Nanguna sa opensa ng Boston sina Kyrie Irving at Marcus Morris na may tig-20 points, na sinuportahan din nina Jayson Tatum na may 15 points at Al Horford na nagdagdag ng 10 points at 11 rebounds, habang si Gordon Hayward ay nagpakita ng 10 points.
Sa panig ng Pacers dalawa lamang sa starting players ang nagtala ng double figures na sina Cory Joseph na may 14 points at si Bojan Bogdanovic ay nagtapos sa 12 points.
Kapwa inalat sa scoring bracket na naging dahilan kaya low scoring ang magkaribal na team.
Batay sa stats nasa under 40 percent lamang sa shooting ang dalawang koponan.
Kung saan ang Boston ay meron lamang 36% (28 of 77) at umabot sa 20 ang turnovers.
Sa panig ng Indiana nakapag-connect lamang ito ng 33% sa mga tira (28 of 84) at nasa 13 beses ang turnovers.
Ang Celtics’ 84 points ay kabilang ito sa ilan lamang na mababang produksiyon ng team ngayong season. Habang ito naman ang unang pagkakataon na nanalo sila na ang score ay mas mababa pa sa 100 points.
Ang Game 2 ay gagawin sa Huwebes sa teritoryo pa rin ng Boston.