-- Advertisements --
https://youtu.be/h8yb4dl2vcY

Pasok na sa ikalawang round ng NBA Playoffs ang Boston Celtics matapos na ma-sweep na nila 4-0 ang Indiana Pacers, 110-106 sa Game 4.

Sila ngayon ang unang team na naka-abanse sa ikalawang round ng Playoffs ngayong taon.

Pinangunahan ang opensa nina Gordon Hayward na mayroong 20 points habang naka-18 points naman si Marcus Morris para sa Boston.

Sa unang quarter pa lamang ay naitala ng Celtics ang 8-0 run hanggang sa bumawi ang Pacers at nakuha ang 13-0 rally.

Gayunman, hindi na pinakawalan pa ng Celtics ang kanilang kalamangan sa pamamagitan ng pinakawalang threes.

Nasayang din ang diskarte nina Bojan Bogdanovic para sa Pacers na nagtala ng 22 points at Tyreke Evans na nagtapos sa playoff career-high na 21.

Ito na ang ikalawang beses sa tatlong taon na ang Pacers ay agad na dumanas nang masaklap na “clean sweep.”

Sa kabila ng maiksing serye, nagbigay pugay pa rin si Celtics head coach Brad Stevens sa kanilang katunggali.

“You have to earn it every time you play the Pacers… They just play so hard, and they play so together,” ani Stevens. “If you take your foot off the gas at any point in time, you’re in trouble.”

Hinihintay na lamang ng Celtics ang mananalo sa pagitan ng Milwaukee at Detroit Pistons kung saan abanse ang Bucks na mayroong tatlong panalo habang wala pang panalo ang Pistons sa Eastern Conference.