-- Advertisements --

Naging malinaw na ang mga koponan na maghaharap para sa NBA Finals at makuha ang Larry O’Brien Trophy.

Magsisimula ang paghaharap ng Boston Celtics at Dallas Mavericks sa Hunyo 6 sa TD Garden ang home court ng Boston.

Magugunitang na-sweep 4-0 ng Boston ang Indiana Pacers sa Eastern Conference Finals habang tinambakan ng Dallas 124-103 ang Minnesota Timberwolves at nakuha ang 4-1 na panalo sa Western Conference Finals.

Ito ang pangalawang pagpasok sa Finals ng Boston sa huling tatlong season matapos ang pagkatalo sa Golden State Warriors noong 2002 sa ika-anim na laro habang ang Dallas naman ay ang unang pagkakataon sa Finals matapos na makuha ang kampeonato noong 2011 ng talunin nila ang Miami Heat.

Ilan sa mga inaabangan ng mga basketball fans ay ang paghaharap ni Dallas star Kyrie Irving sa dating koponan nito at ito ang unang paglalaro ni Luka Doncic sa unang NBA Finals.

Sa dalawang beses na nagharap ang Dallas at Celtics sa regular season ay napagwagian parehas ito ng Celtics na ang una ay noong Enero 22 sa 119-110 at noong Marso 1 sa court ng Celtics sa score na 138-110.

Target din ng Boston Celtics na makuha ang kanilang ika-18 na kampeonato para mapantayan ang Los Angeles Lakers na may pinakamaraming NBA Titles.

Layon naman ng Dallas na maulit ang kampeonato noong 2011 kung saan ang nagdala noon ay si Jayson Kidd na ngayon ay headcoach na ng Mavericks.