-- Advertisements --
James harden 1

Pinahiya lamang ng Houston Rockets ang Boston Celtics, 116-105.

Walang patawad ang ginawa ng kumbinasyon nina James Harden at Russell Westbrook na may kabuuang 78 points.

Nagtala si Harden ng 42 habang si Westbrook ay naka-36 points upang wakasan ng Houston ang seven-game winning streak ng Boston.

Nasayang naman ang produksiyon nina Gordon Hayward na may 20 points,
Jaylen Brown may 19 at Jayson Tatum na nagtapos sa 15.

Sa ibang game natuldukan na rin ng San Antonio Spurs ang kamalasan nito na limang sunod na talo nang masilat ang Oklahoma City Thunder, 114-106.

Nagsama nang puwersa para sa Spurs (23-31) sina LaMarcus Aldridge na nagpakita ng 25 points at 14 rebounds, Dejounte Murray na umiskor ng 25 points at si Patty Mills may 20 points.

Sa kampo ng Oklahoma City (32-22) natikman naman nila ang ikalawang sunod na talo matapos ang nine wins sa 10 games.

Nanguna sa bigong kampanya sina Chris Paul na nagtala ng 31 points at si Shai Gilgeous-Alexander na may 17.