-- Advertisements --

Bumuslo ng 20 points si Jayson Tatum upang pangunahan ang Boston Celtics sa paglusot sa Charlotte Hornets, 107-106, sa preseason play ng NBA nitong Linggo (Lunes, Manila time).

Umalalay para sa Boston si Javonte Green na nagdagdag ng 15 sa perpekto nitong 7-of-7 shooting.

Sa kanya namang unang laro suot ang uniporme ng Celtics, kumamada si Kembal Walker ng 12 points.

Binuhat naman ng rookie na si P.J. Washington ang Charlotte sa kanyang 16 points, at si Caleb Martin na may 13.

Tumipon ng 12 points at 10 rebounds si Miles Bridges, at umasiste si Terry Rozier ng siyam na puntos at siyam na assists.