-- Advertisements --

Isinama na rin umano ni NBA superstar James Harden sa listahan ng mga koponan na nais nitong lipatan ang Portland Trail Blazers at Boston Celtics.

Matatandaang kabilang din sa mga teams na nasa kanyang wishlist ang Milwaukee Bucks at Miami Heat, na dalawa sa top teams sa Eastern Conference.

Willing din daw na ma-trade ang eight-time All-Star sa Brooklyn Nets o Philadelphia 76ers.

Sa ngayon, sinabi ng mga tagapagmasid na malabo pa raw sa ngayon na makabuo ng posibleng kasunduan para tuluyan nang makaalis si Harden sa Houston Rockets.

May tatlong taon pa kasing nalalabi sa max deal ni Harden na may player option para sa 2022-2023 na nagkakahalaga ng $47 million.