-- Advertisements --

Desidido ang Boston Celtics na makuha ang 3-0 na kalamangan kahit na sa homecourt ng Dallas Mavericks gawin ang Game 3 ng NBA finals.

Sinabi ni Celtics coach Joe Mazzulla na may mga pagbabago na silang gagawin dahil tiyak na magiging agresibo ang Mavs sa homecourt crowd nila.

Gaya ng inaasahan na may nagkaroon din ng adjustment ang Mavericks dahil sa ayaw nilang mapahiya sa sariling home court.

Inamin naman ni Mazulla na malaking hamon sa kanilang paglalaro ang kuwestiyonableng hindi paglalaro ng kanilang one-time All-Star center Kristaps Porziņģis dahil sa “rare injury” nito.

Ayon kasi sa medical team nito na nagkaroon ng torn medial retinaculum na may bahagyang dislocation ng posterior tibialis tendon sa kaliwang binti nito.

Giit pa ng Celtics coach na ipapaubaya na lamang nila ang desisyon sa kanilang medical team kung papayagan nila itong maglaro.

May ilang mga nakahanda silang kapalit niya gaya ng pagdagdag ng minutong paglalaro ni Al Horford at ang paggamit sa bench player na si Luke Kornet.