Hindi kinaya ng Boston Celtics ang pagpapaulan ng three point shots ng powerhouse team na Brooklyn Nets upang tambakan sila sa score na 130-108.
Nanguna sa walang humpay na opensa ng Nets si Joe Harris na nagpasok ng pitong mga three pointers.
Nagpadagdag pa sa sakit ng ulo ng Celtics ang big three ng Brooklyn na sina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden.
Sa ngayon nakadalawang panalo na ang Nets sa kanilang best-of-seven series sa first-round playoff series ng Eastern Conference.
Mistulang lethal weapon ang ginawa ng Nets na walang pantapat ang Celtics.
Nagtapos si Harris ng career playoff-high na 25 points, si Durant ay may 26 points, si Harden naman ay nagpasok 20 habang nagdagdag pa si Irving ng 15 points, six rebounds at six assists.
Sa kabuuan nagbuhos ng 17 mga 3-pointers ang Brooklyn.
Lalo namang nanganganib ang Celtics dahil ang Game 3 sa Sabado ay doon na gagawin sa teritoryo ng Nets.
Ang top scorer ng Boston na si Jayson Tatum ay inalat pa na meron lamang nine points at lumabas na ng court may 21 minutes pa lamang nang tamaan sa kanyang mata.
Sina Marcus Smart ay nagpakita ng 19 points at si Kemba Walker naman ay nagpasok ng 17 para sa Celtics.