Hindi pa rin mapigilan ang pamamayagpag ang Utah Jazz makaraang panibagong idispatsa nila ang Boston Celtics, 122-108.
Nanguna si Donovan Mitchell sa ika-20 panalo ng team nang magbuslo siya ng 36 points at nine assists.
Ito rin ang fifth straight victory ng Jazz.
Maging si Joe Ingles ay nagpakita ng season-high na 24 points at anim na assists para sa Jazz.
Tumulong din naman si Rudy Gobert gamit ang 18 points at 12 rebounds habang si Bojan Bogdanovic aay hindi rin nagpahuli na may 16 points at eight rebounds.
Sa ngayon hawak na ng Utah ang 20-5 record samantalang ang Boston ay may 12-11 kartada.
Minalas pa ang Celtics dahil ito na ang ikaapat nilang talo sa huling apat na games.
Nasayang din ang ginawang big performance nina Jaylen Brown na may 33 points at Jayson Tatum na nagtapos sa 23 para sa Boston.
Bumilib naman si Brown sa ipinapakitang diskarte ng Jazz kayat dapat lamang silang tawaging “best record in the league.”
Ang next game ng Celtics ay host sa laro kontra sa Toronto Raptors sa Biyernes.
Ang Jazz naman ay host sa laban sa Milwaukee Bucks sa Sabado.