-- Advertisements --

Inaasahan na ni Bombo International News Correspondent Norman Beauchemin mula sa Boston, Massachusetts ang pagkapanalo ng Boston Celtics sa National Basketball Association Finals laban sa Dallas Mavericks ngayong Game 5.

Ayon sa kanya, malaki ang tsyansa na mananalo dahil sa homecourt advantage at sa 3-1 advantage sa serye.

Sabi niya na mas lamang ang koponan ng Celtics dahil mas maraming players na pwedeng umiskor kumpara sa Mavericks na iilan lang ang inaasahan sa opensa.

Ipinaalam niya na pwedeng magkakaroon ng victory parade, tatlo o limang araw pagkatapos ng pagkapanalo sa NBA Finals.

Samantala, nagtapos ang laro sa score na 88-106, pabor sa Boston Celtics at hinirang na Most Valuable Player si Jaylen Brown.