-- Advertisements --

Ginulat ng Boston Celtics ang Miami Heat upang masilat sa score na 95-78.

Pinatindi ng Celtics ang malagkit nilang depensa na dati ang siyang pangunahing panlaban ng Heat sa kanilang pamamayagpag.

Gayunman sa pagkakataong ito nagawang malimitahan pa ng Celtics ang isa sa top team sa Eastern Conference.

Nanguna si Jalen Brown na may 17 points, habang nag-ambag sina Dennis Schroder ng 14 at Aaron Nesmith ay nagtapos sa 13.

Minalas naman ang Miami bunsod nang pagkawala ng point guard nila na si Kyle Lowry sa third quarter matapos magtamo ng sprained left ankle sa third quarter.

Si Jimmy Butler ay nagtapos sa 20 points habang inalat naman si Bam Adebayo na nag-ambag ng 13 puntos.