-- Advertisements --

Pinatawan ng $15,000 na multa si Boston Celtics guard Marcus Smart matapos ang pagkutya nito sa mga referee.

Naganap ito ng matalo ang Boston sa Miwaukee Bucks 119-112 nitong Biyernes sa bubble campus sa Disney World sa Orlando, Florida.

Ikinagalit kasi nito ang charging foul dapat na itawag kay Giannis Antetokounmpo ng Bucks subalit nabaling ang blocking foul.

Matapos ang laro ay binatikos nito ang referee na dapat ay na-fouled out na si Giannis subalit hindi ito nangyari.