Magsisimula na ngayong araw ang unang laro sa Eastern Conference Finals sa pagitan ng number 1 seeded na Boston Celtics at number 6 seeded na Indiana Pacers.
Nakapasok ang Boston sa pamamagitan ng 4-1 ng talunin sa first round ang Miami Heat.
Muling naulit nila ang 4-1 na serye ng talunin ang Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference Semifinals.
Kinailangan naman ng Pacers ang anim na laro para talunin ang Milwaukee Bucks sa first round at ang Game 7 drama ng talunin nila ang New York Knicks sa Eastern Conference Semifinals.
Sinabi ni Indiana guard Tyrese Haliburton na malaki ang expectations sa kanila dahil sa Boston unang gaganapin ang laro.
Ito kasi ang unang conference finals ng Pacers mula noong 2014 o sampung taon na ang nakakalipas.
Pambato ng Indiana sina Haliburton na mayroong 21.3 points average at Pascal Siakam na mayroong 20 points average.
Habang sa kabila ay nanguna si Celtics All-star Jayson Tatum na mayroong consistency na 24.3 points at 10.4 rebounds average kasama si Jaylen Brown na mayroong 23.1 points average.
Kapwa mayroong tig-1 player na injured ang magkabilaan kung saan sa Celtics ay si Kristaps Pozringis habang sa Indiana ay ang guard na si Bennedict Mathurin.
Ito na ang pang-pitong playoff meetings ng dalawang koponan.
Ang anim na laban 2019, 2005, 2004, 2003, 1992 at 1991 ay pawang sa first round kung saan ang Bosotn ang nagwagi sa apat na serye.
Sa pinakahuling paghaharap ng dalawang koponan noong 2019 ay na-sweep ng Celtics 4-0 ang Pacers.