Desidido ang Boston Celtics na makumpleto nila ang 2-0 na kalamangan sa kanilang homecourt laban sa Indiana Pacers sa para Game 2 ng Eastern Conference Finals.
Noong Game 1 kasi ay nakuha ng Boston ang unang sugat sa pamamagitan ng overtime 133-129.
Kapwa sabik kasi ang dalawang koponan na makapasok sa NBA Finals kung saan huling nakapasok sa finals ang Pacers ay noong 1999-2000 habang Celtics ay noong 2021-2022.
Gaya ng Game 1 ay inaasahan ang Celtics ang muling pag-arangkada sa laro nina small forward Jayson Tatum na nagtala ng 36 points at 12 rebound ganun din si shooting guard Jaylen Brown na nagbuhos ng 26 points, pitong rebounds at limang assists noong Game 1.
Nais naman patunayan ng Pacers na sila ang nararapat na makapasok sa Finals kung saan ilan sa mga manlalaro nito na inaasahang may adjustments sa paglalaro ay sina power forward Pascal Siakam na mayroong 24 points at 12 rebounds noong Game 1 siya rin ang itinuturing na bayani sa panalo ng koponan sa first-round playoffs nila ng ilampaso nila ang Milwaukee Bucks.
Kasama rin na malaking pakinabang ng Pacers si Point guard Tyrese Haliburton na mayroong double-double noong Game 1 na kahit talo sila Boston ay nagbuhos ito ng 25 points, 10 assists, tatlong rebounds at tatlong steals.