Ipinagkibit balikat na lamang ng Boston Celtics ang kawalan nila ng isang manlalaro sa paghaharap nila laban sa Dallas Mavericks sa Game 5 ng NBA Finals.
Kuwestiyonable kasi ang sitwasyon ng kanilang all-star center na si Kristaps Porzingis dahil sa injury.
Noong Game 4 ay pinayagan itong maglaro subalit mas pinili niyang hind muna sumabak.
Hindi na ito nakapaglaro ng dalawang laro at maaring ang Game 5 ay siyang pangatlong pagkakataon na hindi ito makakapaglaro.
Sinabi naman ni Celtics coach Joe Mazzulla na matapos ang masaklap na pagkatalo noong Game 4 sa homecourt ng Dallas ay may hakbang na silang gagawin para hindi maulit ang 38 points na pagkakatambak sa kanila.
Ang nasabing pagkatalo ay siyang pangatlo sa pinakamataas na kalmangan sa kasaysayan ng finals at nahigitan nila ang pagkatalo nila noong 1984 sa Los Angeles Lakers sa score na 137-104.
Kumpiyansa naman ni Celtics star Jaylen Brown at sinabing walang dapat ikabahala dahil sa hawak nila ang momentum.
Kailangan lamang nila ng mag-reassemble para hindi na maulit ang masaklap na pagkatalo noong Game 4.