-- Advertisements --
Nakuha ng Boston Celtics ang unang panalo sa NBA Finals nila ng Dallas Mavericks 107-89.
Mula sa simula ng laro ay dominado ng Celtics ang laro kung saan umabot pa ng 29 points ang kalamangan nila sa first half.
Naging malaking tulong sa panalo ng Celtics ang pagbabalik sa laro ni Kristaps Porzingis.
Hindi kasi nakapaglaro ng 10 laro si Porzingis matapos na magtala ng right calf injury.
Nanguna sa panalo si Jayel Brown na nagtala ng 22 points habang anim nsa manlalaro ng Boston ang may double figure na scores.
Nasayang naman nagawang 30 points, 10 rebounds at isang assists ni Dallas star Luka Doncic.
Susubukan ng Celtics na madoble ang panalo sa Game 2 nila ng Mavericks sa darating na Lunes.