-- Advertisements --

Abot-kamay na lamang ng Boston Celtics ang muling pagsabak nila sa NBA Finals.

Ito ay matapos na pahiyain nila ang Indiana Pacers 114-111 para makuha ang 3-0 na kalamangan nsa NBA Eastern Conferece Finals.

Nagtala ng 36 points, 10 rebounds at walong assists si Jayson Tatum para burahin ang 18-points na kalamangan ng Pacers.

Nagdagdag naman ng 24 points si Al Horford.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Pacers coach Rick Carlisle kung saan titiyakin nila sa kanilang fans na hindi sila ma-sweep ng Celtics.

Nasayang naman ang nagawang 32 points ni Andrew Nembhard at tig-22 points nina Pascal Siakam at Myles Turner para sa Pacers.