-- Advertisements --

Patuloy ang pamamayagpag ng Boston Celtics matapos na panibagong maging biktima ang Detroit Pistons sa iskor na 102-93.

Ito na ang ika-apat na sunod na panalo ng Boston para makatipon sa kabuuang 29 na panalo.

Habang ang Detroit ay lalong nangulelat sa ika-40 talo.

Nanguna naman sa opensa ng Celtics si Jayson Tatum na nagbuhos ng 24 points kung saan sa third quarter lamang ay walang humpay itong nagpakawala ng 19 na puntos.