Muling pinatunayan ng Boston Celtics kung bakit ito number 1 sa Eastern Conference kasunod ng nagawang panalo laban sa kulelat na Detroit Piston, 128 – 122.
Sa pagtatapos kasi ng unang kalahating bahagi ng laro ay hawak ng Detroit ang 19 points na kalamangan, 66 – 47. Maganda ang opensang ipinamalas ng Pistons sa dalawang unang kwarter ng laro.
Pagpasok ng ikatlong kwarter ay nagawa ng Boston na habulin ang 19 points at naitabla ito sa 82 – 82 sa pagtatapos na ng naturang kwarter, gamit ang 35 – 16 scoring run.
Pagpasok ng ika-apat na kwarter, naging gitgitan na ang laban sa pagitan ng dalawa. Sumabay ang kulelat na Pistons sa opensa ng Boston at nagawa nitong itabla sa 26 points ang kabuuang naipasok sa 4th quarter.
Dahil dito ay pumasok sa OT ang laban. Lalo namang nag-init ang kamay ng nina Boston Center Kristaps Porzingis at Derrick White, at mistulang hindi makahanap ng sagot ang Pistons. Nagawa kasi ni Pors na magpasok ng 6pts sa OT habang 10 points naman kay White.
Nagtapos ang laban sa 128 – 122, pabor sa Boston, sa kabila pa ng hindi paglalaro ng elite ecorer nito na si Jalen Brown.
Para sa Pistons, naging maganda ang ipinamalas nitong opensa, sa pangunguna ni Cade Cunningham na gumawa ng 31 big points.
Hawak na ng Pistons ang 29 na pagkatalo habang napako sa dalawa ang panalo nito.
Nangunguna pa rin ang Boston sa East, hawak ang 24 wins, 6 losses.