-- Advertisements --

Na-sweep ng Boston Celtics ang Eastern Conference Finals kontra sa Indiana Pacers, kung saan nagtala ng 4-0 victory sa serye.

Naging dikitan ang laban mula umpisa hanggang dulo, kung saan nagtapos ito sa score na 105-102.

Nakapagpasok si Jaylen Brown ng 29 points habang si Jayson Tatum ay nag-ambag naman ng 26 points para sa Boston.

Habang nasayang naman ang 24 points ni Andrew Nembhard at 19 points ni Pascal Siakam para sa natalong Indiana.

Dahil sa tagumpay ng Celtics sa East, mag-aabang na lamang sila kung sino sa pagitan ng Dallas Mavericks at Minnesota Timberwolves ang magkakampeon sa Western Conference Finals.

Magaganap ang tunggalian ng Mavs at Wolves bukas sa Dallas, Texas.