Ngayon pa lamang mistulang big winner na ang Boston Celtics dahil mapupunta sa kanila ang top overall pick habang ang Los Angeles Lakers naman ang second pick.
Para sa Celtics co-owner na si Wyc Grousbeck, inilarawan niya na parang nanalo na rin sila sa Game 7 matapos dumalo siya sa lottery.
Marami ang nagulat sa pangyayari kung bakita napunta sa Celtics ang pagkakataon lalo na at sila naman ang top team sa Eastern Conference.
Nangyari ang scenario nang i-trade ng Celtics si Paul Pierce at Kevin Garnett sa Brooklyn Nets kapalit ng tatlong first round picks noong taong 2013, kabilang na ang karapatan na makipag-swap ngayong taon.
Ang Nets kasi ang worst team ngayong NBA season.
Sa sunod na taon ang first round pick muli ng Nets ay hawak pa rin ng Celtics.
Kung maalala si Pierce ay bago lamang nagretiro sa pagtatapos ng season.
Sa kanyang twitter message ay nakisali rin ito sa mangyayaring NBA draft sa June 23.
Paul Pierce @paulpierce34
“And look what I leave behind for the Celts on my way out #1 pick”
Una rito, bago ang anunsiyo sa lottery, halatang kabado ang bagong Lakers executive at NBA legend na si Magic Johnson.
Hinahangad kasi niya na makuha ang number one draft pick para mapalakas pa ang kulelat niyang team.
Ayon kay Magic maraming magagaling na players ngayon ang kasali sa pick kaya ayaw nilang mahuli sa lottery.
Nakahinga lamang ng maluwag si Johnson at ang Lakers general manager na si Rob Pelinka ng mapunta sila sa number 2.
Ito na ang ikatlong taon na lagi silang nasa second pick.
Swerte ang Lakers dahil magagaling din ang nakuha nila noon sa katauhan nina  D’Angelo Russell (2015) at Brandon Ingram (2016).
Matapos ang second pick na mangyayari ay number 28 na muli ang Lakers.
Para kay Johnson okey lang daw kahit No. 28 ang next pick nila dahil tiyak may makukuha pa rin sila na matinding player.
Sinasabi ng ilang observers, pihadong jackpot ang makakuha na NBA team kung sakali tulad sa freshman point guards na sina Markelle Fultz (Washington) at Lonzo Ball (UCLA) kung kunin sila bilang first at second overall.
Narito ang kompletong 2017 NBA draft order:
1. Boston Celtics
2. Los Angeles Lakers
3. Philadelphia 76ers
4. Phoenix Suns
5. Sacramento Kings
6. Orlando Magic
7. Minnesota Timberwolves
8. New York Knicks
9. Dallas Mavericks
10. Sacramento Kings
11. Charlotte Hornets
12. Detroit Pistons
13. Denver Nuggets
14. Miami Heat
15. Portland Trail Blazers
16. Chicago Bulls
17. Milwaukee Bucks
18. Indiana Pacers
19. Atlanta Hawks
20. Portland Trail Blazers
21. Oklahoma City Thunder
22. Brooklyn Nets
23. Toronto Raptors
24. Utah Jazz
25. Orlando Magic
26. Portland Trail Blazers
27. Brooklyn Nets
28. Los Angeles Lakers
29. San Antonio Spurs
30. Utah Jazz
SECOND ROUND
31. Atlanta Hawks (via Brooklyn)
32. Phoenix Suns
33. Orlando Magic (via Los Angeles Lakers)
34. Sacramento Kings (via Philadelphia via New Orleans)
35. Orlando Magic
36. Philadelphia 76ers (via New York, via Utah and Toronto)
37. Boston Celtics (via Minnesota via Phoenix)
38. Chicago Bulls (via Sacramento via Cleveland)
39. Philadelphia 76ers (via Dallas)
40. New Orleans Pelicans
41. Charlotte Hornets
42. Utah Jazz (via Detroit)
43. Houston Rockets (via Denver)
44. New York Knicks (via Chicago)
45. Houston Rockets (via Portland)
46. Philadelphia 76ers (via Miami via Atlanta)
47. Indiana Pacers
48. Milwaukee Bucks
49. Denver Nuggets (via Memphis via Oklahoma City)
50. Philadelphia 76ers (via Atlanta)
51. Denver Nuggets (via Oklahoma City)
52. Washington Wizards
53. Boston Celtics (via Cleveland)
54. Phoenix Suns (via Toronto)
55. Utah Jazz
56. Boston Celtics (via Los Angeles Clippers)
57. Brooklyn Nets (via Boston)
58. New York Knicks (via Houston)
59. San Antonio Spurs
60. Atlanta Hawks (via Golden State, via Philadelphia via Utah)